Monday, July 13, 2009

Babaero Moves : Strategic Compliment Giving


"Ang ganda ganda mo talaga" - Wag gasgasin ang mga compliments sa lahat ng babae mo.
Dapat alam kung Kailan at Kanino bibitawan ang mga Compliments.

Para sa mga Super Gandang Babae:
Kung dinidiskartehan ang isang napakasikat na babae (dahil sa kagandahan niya), Huwag ng gumamit ng linyang "ang ganda mo ngayon ah", "You looked really beautiful last night", etc.

Dahil ALAM NA NILA YUN! Alam na ng babae na maganda siya talaga. At sawa na yan sa mga lalakeng sinasabihan siya ng maganda at beautiful.

Tirahin ng compliment ang UGALI ng napakagandang binababae. Like, "ang sweet mo pala" , "ang bait naman", "ang saya mong kasama ah". Mas eepek yun!

Mapapaisip pa sila, "ano kaya meron sa lalakeng ito at di siya nagagandahan sakin."
At magpapaganda pa sayo lalo.

Sabihin lang na maganda siya, siguro, Once a Month. Kapag meron siya.
At dapat maganda ang timing.

Para sa mga Not so "head turner" na Babae:
Dito pwede tadtarin ng "ang ganda mo naman, kinukumpleto mo araw ko!" na mga linya. Kahit gaano pa ka-corny, magugustuhan nila yun. Pero wag masyadong tadtad na tipong OA na at nakakasawa.

May mga babae kasing hindi sanay na tinatawagan na maganda sila, kahit maganda naman sila sa paningin ng Babaero. Compliments - sobrang gagana sa kanila.

Sana naintindihan nyo point ko. Tinatamad ako magexplain eh.

1 comment:

  1. Anonymous27.6.11

    Maraming salamat. Ngayon alam ko na kung paano mag cocompliment

    ReplyDelete