Sunday, July 24, 2011

Tatak Babaero Moments



Sige boy, practice ka muna dyan. Darating ka din dun.

.

Saturday, July 16, 2011

Hindi Babaero : Mga salesman, nagtatanong ng credit card, nagyayaya sa networking, etc.



Kung nasa maynila ka, at napapadaan ka sa mga mall, sigurado naranasan mo nang maharangan ng mga nakaformal na mga nilalang at tanungin kung may credit card ka na. Tapos sumagot ka man ng oo o hindi, hindi ka lulusot, kakausapin ka pa rin. I-cocongratulate ka pa minsan at bibigyan ka ng tumbler na prize. Astig, libreng baso.
Pero may kapalit na usapan na kakain sa oras mo. Badtrip diba?
Ang paraan lang dito ay umisnab na parang sikat na artista. Diretso lang sa paglakad. At suminyas ng "please, ayaw kitang kausapin.Get Away"

Badtrip ang babaeromoves family sa mga taong ganito dahil kasalanan nila kaya napagkakamalan kaming salesman o magtatanong ng tungkol sa credit card at networking kapag nagpapakilala sa mga babae o tumangkang kumausap sa mga babae sa mga mall.
Mag-h-Hi pa lang, umiisnab moves na ang mga babae. Bumibilis ang lakad dahil akala nila kasama kami sa mga nakakairitang mga harang sa mall.

Kaya next time, pakisampal yung magtatanong ng tungkol sa credit card ha. Thanks.

Source of Pic

.

Wednesday, July 6, 2011

Babaero Moves : Huwag Balewalain ang Woman's Instinct



Mga pare, huwag na huwag niyong babalewalain ang Instinct ng mga girlfriend o asawa o kahit sinong partner nyo.
Huwag i-underestimate.
Dahil malupet ang Woman's Instinct.
Kung may naamoy na yan nang isang beses na nambababae ka, hindi na mawawala yan sa pang-amoy nila.
Matritrigger na yung utak nilang magkunwaring wala silang alam. Pero ang totoo, nagiipon na yan ng mga sinyales.
Kahit wala kang ginagawa, iisipin nila may ginagawa kang kagaguhan. Dahil ganun ang pagkaparanoid nila.
Kaya kung mambababae ka na talaga, mas mahihirapan ka na magtago. Kuha? Kasi natrigger mo na pagkapraning nila eh.

Kunwari tinanong ka ng asawa mo, "Bakit parang ginagabi ka na sa pag-uwi, eh dati naman hindi ka naman ganito umuuwi?"
Magbibigay ka ng rason, at sabi niya, sige, naniniwala siya.
Kung sa tingin mo nakalusot ka na sa malupet mong rason, hindi pa, nasa utak na niya yan.

Kaya kung mambababae, bantayan ang routine sa niloloko mo, huwag biglaang baguhin, huwag hayaang makaamoy ng kakaiba ang partner mo. Ingatan ang kanyang woman's instinct.

Source of Pic

.

Tatak Babaero o Hindi : Hubaran ang syota sa bikini contest



Tatak Babaero ang diktador sa relasyon, siya ang batas. Malupet na batas.
Pero mga boys, sumasamba ang babaeromoves.com sa linyang "Treat Women with Love and Respect", kaya hindi dapat saluduhan ang puchang ito.
Saluduhan kapag binalikan pa rin siya ng syota niya.

.

Friday, July 1, 2011

Hindi Babaero : Michael Jordan



Ang Babaero, swabe, hindi bumibitaw ng mga sablay na linya sa dinidiskartehan na babae.
Pinag-iisipan mabuti ang mga banat.
Lalo na kung sa isang sulat idadaan ang pangdidiskarte, dapat mas maayos ang mga sinasabi.
At hindi wrong grammar.
Basahin ang balita DITO.

Source of Pic

.