Wednesday, January 26, 2011

Babaero Qualifications : Magaling Umarte



Kailangan ang talent sa pag-arte sa pambababae, dahil dapat laging natural ang dating ng babaero sa paligid kung saan may babae.

Saan magagamit ang acting skills :
1. Kapag nakikipagkilala sa bagong babae.
-Dahil isa sa mga bumebentang paraan para makipagkilala ay ang pagiging ignorante.(Pero hindi yung tipo ng pagka-ignorante na parang tanga na)
-Kunwari nagtatanong ng direction sa pupuntahan, kunwari nawawala, kunwari nagtatanong ng opinion tungkol sa isang topic, kunwari may nalaglag na gamit, etc.

2. Kapag dumidiskarte sa kilala nang babae.
-Kunwari kaibigan lang ang hanap, kunwari hindi naniniwala sa sex before marriage, kunwari hindi gagalawin kapag magkatabi sa kama, kunwari one-woman man ang pananaw sa buhay, etc.

3. Kapag nagpapalusot sa gf o asawa.
-Kapag nagpapalusot ang babaero, laging deadma, laging natural, laging patay-malisya, laging mukhang 'wala lang', para hindi na masyadong imbestigahan ng babae.

Source of Pic

.

Saturday, January 22, 2011

Hindi Babaero : Baron Geisler



Hindi Babaero ang manghipo. Dahil ang tatak babaero, kayang dumiskarte para hindi lang panghihipo ang nakukuha sa babae.
Pambihira pati si cherry pie picache.
Sabi nga ni pareng geisler, "Parang nanay ko na siya."

Pero potensyal para magkatatak-babaero dahil napipikot niya ang mga tao para lusutan ang mga trip niyang gawin.

Source of Pic

.

Saturday, January 15, 2011

Babaero Qualifications : Hindi nasisira ang buhay dahil sa babae



Ang babaero, hindi hinahayaang malamon ng mga babae ang kanyang buhay.
May mga responsibilidad at prioridad sa buhay na hindi nawawasak dahil lang sa babae.

Halimbawa,
-Hindi babaero ang magmukmok sa isang madalim na sulok ng kwarto pagkatapos ibusted ng nililigawan.
-Hindi qualified maging babaero ang naglilibre ng babae sa shangrila at kumakain ng tuyo pag-uwi sa bahay.
-Hindi babaero ang hindi pumapasok sa trabaho na bumubuhay sa kanya para lang makasama ang babae at para lang makasibak.
-Hindi qualified maging babaero ang tumangka mag-suicide dahil iniwan ng babae.
-Hindi ang chinichick na classmate ang rason kung bakit nagiging bobo sa eskwelahan.
-Ang babaero hindi nakakabuntis ng aksidente.

May mga tamang paraan sa pambababae para hindi mawasak ang buhay.

Related Babaero Move : Dito

Source of Pic

.

Wednesday, January 5, 2011

Hindi Babaero : Hinahayaang malaman ng kuya ang pang-didiskarte sa kapatid



Ang babaero, kapag dumidiskarte ng babae, pinipilit na maging sikreto.
Lalo na sa lalakeng kapatid ng babae. Para hindi pinagtritripan ng kuya.

Tatak Babaero yung kuya, ang lakas mang-trip eh.

.